Drama ko ngayon.

Isa na namang araw sa buhay ko. Masaya kasi nakita ko siya kahit sandali lang. Yung pagkatalikod mo eh, nasa likod mo na siya. Malungkot kasi Last day na namin bukas. Siguro iiyak ako, siguro hindi. Bahala na si Batman. Pero ano ka ba naman. Malamang mamimiss ko yung mga panahong masasaya kami ngayong freshman. Yung mga panahong nag ccr para lang makita si NYLON. Mga panahong nagkakagulo kami dahil sa algebra.

Nakakatuwang isipin na bakasyon na pero mahirap unawain na mawawalay ka sa mga kasama mo kahit 2 buwan lang. Kasi kung ako ang tatanungin niyo, ayoko pa talagang maging sophomore. Mas masaya kung ikaw yung bunso ng pamilyang EHSian. Ikaw yung may pinaka-exciting na mararanasan kasi bago ka. Alam mo yun?

Ganun pa man, di na namin to mapipigilan. Di naman kasi kami Diyos para gawin ang mga iyon. Bahala na. Basta, kahit anong mangyari, mareshuffle man o hindi, HONESTICIAN ako. Papamukha ko sa kanila yun. De Joke lang. Madrama talaga ako ngayon.

[Ang aking Crush story ay magsisimula na. Babala lamang po sa magbabasa]

Eto namang si Nylon, di pa ko kilala. Walang Hiya lamang po. Mahiyain naman kasi ako para magpakilala sa kanya, di rin naman ganun kakapal ang aking fez. Gusto ko sana humingi ng Grad Pic niya eh, kaso, di nga niya ko kilala. Kailangan pumasok sa utak ko yon. Sana di lumabas sa tenga. Siguro naman kilala na niya ko sa pangalan kasi friend ko siya sa Facebook at Follower ko siya sa Tumblr. Di pa rin sapat yun eh. Tengene. Ginagawa kong big deal ang mga maliliit na pangyayari parang ito.

Alam kong tamad kayo para magbasa ng mahabang blog o post na parang ganito pero maaappreciate ko kung sino man ang magbasa.

Pero di nga, mamiss ko ang Honesty at si Nylon (sana di siya lumipat ng school)

No comments:

Post a Comment