May 1, 2011: Unang Araw ng Mayo.

Isa na namang normal na araw sa isang babaeng katulad ko. Kain, tulog, blog at hinga. Kahapon nga pala yung MMK episode ni AJ Perez entitled: Tsinelas. Grabe, drama moment ako bago matulog dahil doon. Bus + kotse + kalye + sementeryo. Naaalala ko lang yung aksidenteng nangyari kay AJ. Wala, fan lang naman kasi ako ni AJ.

Besides that, wala namang masyadong nangyari sa akin kahapon. Naka-chat ko lang yung mga friends ko na sobra kong na-miss. Si Katballs, Aennantots, Ayantot. Si Tin tin, di ko naka-chat. Men! Kasi nasa probinsya siya for over one month na.

Nagpapasalamat lang ako ng todo-todo sa Diyos na hindi kami na-reshuffle. Another spectacular School year to come with my favorite classmates :) PeTas na naman. Mga contests na pagkahirap-hirap dahil sa mga kalaban. Nakakaloka lang. Haha.

No comments:

Post a Comment