Magulong Buhay = Magulong Pag-iisip


Junior Year is about to end. And honestly? I'm going to miss this year. Indeed, this is the most exciting part of my high school life. Sobrang daming nangyari at sobrang dami kong na-experience pati narin natutunan ngayong Junior year. Tama nga yung sabi nila, Junior year is the turning point of high school. Simula palang ng year, ang dami ng nangyari. At akalain mo nga naman, sa oras na kumaway na sa amin ang buwan ng June eh, kakaway na rin kami sa Senior year.

Sa totoo lang, na-eexcite na akong mag-college. I want a change to happen. Gusto kong magkaroon ng mga bagong kaibigan, kaklase at maka-experience ng mmga bagay na di ko pa naeexperience ngayong high school na sa college ko lang mararanasan at magagawa. Ang dami kong gustong ma-try. Gusto kong ma-enjoy yung  freedom na matatanggap ko sa college pati narin yung trust na ibibigay sa akin ng parents ko. In college kasi, I need maturity. Kaya ayun, medyo na-eexcite ako.

Pero lahat naman ng bagay ay may two sides diba? Para ngang barya lang yan eh.

May side sa akin na, parang ayaw ko ng matapos ang High School. Parang, ayaw ko ng gumraduate? Siguro nasanay lang ako na sila yung kasama ko. Sa almost four years ba naman na kasama ko sila sa loob ng 4 na pader eh, di ko pa ba sila mamimiss? Kahit di sila lahat eh ka-close ko (bukod syempre sa Gays Gen), may part parin sa akin na malulungkot kapag iba na yung mga kasama ko sa classroom at di na sila. Sanayan nga lang siguro yan.

Sa loob nga ng halos 4 years na magkakasama kami, sa tingin ko, kilala ko na ang ugali nila, medyo. Alam mo yung kapag magaling kumanta, ay si Elai yan, si Kim yan! Tapos pag matalino,  Louraine, Ashley! Pag designer, Pie na agad yan! Diba? Parang bawat isa sa HONESTY eh may trademark at may talent (well, except for me. wala akong talent lol). Parang music, iba iba ng taste, meaning at ng interpretation ang bawat kanta. Pero kapag pinagsama-sama mo sa isang album, siguradong mabenta at effective sa makikinig ng music. Ganun kami eh.

Pero sa totoo lang, di naman lahat sila ka-close ko eh. I enclosed myself between GG lang. Sila lang yung mga talagang nakakausap ko ng matino. Di naman kasi ako yung tao na madaldal at mapapakisamahan mo talaga. I prefer to be with myself. Kapag may iba akong kausap, I feel awkward inside. I feel that, pilit lang yung pakikipagusap nila sa akin. Yung ayaw nila akong kausap. Ganun. I feel na sobra na akong nao-OP sa klase namin kaya naman yung most part ng sarili ko eh gusto ng gumraduate para mabago ko na ang sarili ko pagdating ng college. Para matuto na akong makipag-socialize. Kasi ang dami kong mali nung umpisa palang eh. Dapat first year palang, natuto na akong makipag-socialize. Well, di mo nga naman maibabalik ang oras so I'll just take the consequences for the wrongs that I made. Tutal isang taon nalang naman diba? Isang taon nalang at tapos na ako sa High School. Isang taon na lang aalis na ako ng EHS. One more year before I go and find myself in the real world.

Ang gulo ko noh? Parang kanina lang sabi ko malulungkot ako kapag umalis na ako ng High School as biglang sabi ko naman gusto ko ng mag-college. Parang tanga lang at paulit-ulit diba?

Ganyan kasi ang tao eh. Di makuntento sa mga bagay na naiisip o nagiging desisyon nila. Ang utak kasi, masyadong broad yung mga bagay na naiisip, napakalawak. Kaya minsan, di mo nalang marerealize na nakakapagsabi ka pala ng mga bagay na taliwas sa mga gusto mo at gugustuhuin mo.


Sana naman ngayong Senior na ako, magkaroon ako ng mas marami pang time kasama yung mga kaklase ko. Sana maka-close ko kahit papaano yung mga taong di ko pa nakaka-close sa loob ng classroom. Sana magkaroon ako ng panibagong Honesty comfort zone bukod sa Gays Gen. At sana, matuto na akong makipag-socialize. Lahat yata sila nag-bloom na eh. Ako nalang yung hindi. Feeling ko nga never na akong magbu-bloom.

But please, let this senior year be fruitful and productive. Let me learn the things that I still need to learn. Thank you Lord for this wonderful year.

Originally posted: http://thehangoveralley.wordpress.com/2013/03/17/magulong-buhay-magulong-pag-iisip/

No comments:

Post a Comment