Sa labing apat na taon ng pamamalagi ko dito sa mundo, meron na akong mga bagay na na-experience. Mga bagay na nagdulot ng malalaking pagbabago sa akin at sa ginagalawan ko. Di ako mature. Napakaisip bata ko to the point na simpleng pagbati mo lang sa akin tuwing umaga ng Good Morning, magiging masaya na ako. Ganun ako kababaw na tao. I cannot look on the mature sides of things. Nakakainis kasi. Mas gusto ko pang maging bata kesa maging mature/matanda na marami ng pinoproblema sa buhay. Di naman ako ganun. Wala naman akong masyadong problema pero, marami akong pinoproblema. Gets niyo ba? Pati problema ng iba pinoproblema ko. Pag napapahiya sila, nanunuod lang ako pero sa loob loob ko, ako ang nahihiya para sa kanila. Been there, done that.
Naranasan ko ng mapahiya. I mean, lahat naman na tayo naranasan na yan. Aba ang swerte mo naman kung kahit isang beses sa buhay mo eh di ka pa napahiya . Ayos ka tol. Part yan ng buhay. May mga oras talaga na kelangan nating mapahiya para matuto ng lesson. Anong lesson naman ba yun? Yun ay ang mas magsikap pa para sa susunod ay di ka na mapahiya sa harap ng madlang pipol. Let's just say, napahiya ka sa recitation kasi muntanga ang sagot mo at pinagtawanan ka ng buong klase. OH EH ANO NAMAN? DI KA KASI NAG-ARAL NAG-EXPECT KA PANG DI MAPAPAHIYA LUL LANG DRE? So ano ang dapat gawin? Malamang sa malamang eh dapat kang mag--advance study para naman next time eh mapamangha mo yung mga kaklase mong tumawa sayo na akala mo eh palaging tama ang mga pinagsasagot diba? HELLO. May time ka naman siguro para pagsikapan ang mga yan.
Minsan naman, ang nangyayari eh napapahiya ka sa sarili mo. Kasi NAG-EXPECT KA. Nag-expect ka na makakapasa ka sa exam pero BAGSAK ka pala. Di ka nag-aral tas makakapasa ka? Ano yun magic (unless may photographic memory ka duuh)? Oh ano ngayon dre? Pahiya ka sa sarili mo. Kahit yung mga matatalino, they spend most of their time studying kung may quiz o exam. Matalino sila kasi masipag sila. Wag ng mag-assume na makakapasa ka kung di ka nag-aral. ABA AYOS KA AH. HANGA NA AKO. Wag kasi masyadong mag-assume. Magkaiba ang PAG-ASA sa PAG-AASSUME. Having hope is different from being assuming. Masasaktan ka lang pag pinagana mo yang assuming nerves mo sa utak mo. Kung mag-aassume ka naman, wag naman yung sobra-sobra. Ikaw lang ang masasaktan niyan. Nag-assume ka na bibigyan ka ng bagong cellphone ng nanay mo kasi nawala mo yung phone mo pero in reality, di ka na niya bibilhan kasi ang pabaya mo. Oh diba? See? Nag-assume ka, ayun. Pahiya ka sa sarili mo! Tama na yan dude. Kahit sa sarili mo ka lang napahiya, aba! Mas nakakahiya yata yun. Napahiya ka na nga lang, sa sarili mo pa. Madala naman sa pag-aassume. Uso mag-isip ng iba.
Naranasan ko na ring mapahiya ng dahil sa magulang ko. ABA SINO BA NAMANG HINDI AH? Sila pa nga yung mas may nakakahiyang pinagsasabi tungkol sa akin eh. Shet, tuwing naaalala ko yun, natatawa nalang ako. Ang daldal kasi ng nanay ko eh. Pero kahit madaldal yun, mahal ko siya. NAKS. Ako kasi yung taong nagmamahal pero di showy sa pagmamahal na ibinibigay ko. Ayoko ng ganun. Gusto ko ma-figure out nila na mahal ko sila kahit di ko pinapakita XD
So ayun nga, napahiya ng magulang. MAS MALALA PA SA PAGKAPAHIYA SA PUBLIC (though medyo parang public narin to, let's just say, kind to ng pagkapahiya sa public XD). Kasi pag napahiya kasa maraming tao, makakalimutan nila agad yan. Isang araw lang limot na yan eh, malamang (unless pinahiya mo ang sarili mo at nagpost ka pa sa FB aba di na nahiya pucha). Kapag pinahiya ka ng mga magulang mo specially sa mga relatives eh, ANG TALAS NG MEMORY. PAKSHET. Minsan pa nga nung umuwi kami sa probinsya, may sakit kasi ako, tapos sinabi pala yun ng nanay ko sa kanila (yung sakit na dahilan ng pagka-ospital ko), eh ayoko pa namang sabihin yung tungkol doon kasi wala lang, nahihiya ako, tapos na so kelangan na dapat kalimutan diba? ANG NANGYARE, tinanong nila ako ng tinanong hanggang sa sumabog ako. De chos di ho ako sumabog taena. Pero isang buong araw nila akong tinanong tungkol doon sa sakit ko. Tangina. Ayoko pa namang pinag-uusapan yun. PAHIYANG-PAHIYA AKO sa mga kamag-anak namin (or ako lang ang napahiya or what). Shet talaga. Daldal ng nanay ko eh. Di ko naman kasi sinabi sa kanya na ayaw kong ipagsabi yun, so somehow, kasalanan ko rin.
Ang mapahiya ONLINE. Hahaha naranasan ko narin to! Another kind ng pagkapahiya in public. Alam naman nating maraming tao online. Pero ang ayos dito, di ka nila kilala minsan. At pwede mong idelete ang pinost or whinatever mong post na dahilan ng pagkapahiya mo. Pero kahit na! Nakakahiya parin to juskobels.
Tinatamad na akong magtype at mag-isip ng mga bagay na itatype kaya eto na muna. Pucha bat ba ang tamad-tamad ko ngayon mukha akong tanga.
No comments:
Post a Comment