Finally!

I finally created a new blog and for me, the layout pretty much turned up great. So if you want, you can follow me there. Goodbye moonlightmishap!

Le click here.

I'm kind of thinking . .

Okay, so I'm actually thinking of deleting this blog and creating a new blog. I'm also thinking of putting up with that blog seriously. I need to get a hang of blogging ( in english ) since I really want to practice myself for the upcoming college bullshit that I would go through. Okay so I have this fetish of talking and talking to myself but then I realized I do look like a drunken retard while doing that so I decided to write everything instead. Hopefully, this would work. I really need to practice my English writing skills since I took up AB Journalism as my degree program. I AM SERIOUSLY NOT CONFIDENT WITH THIS. Not that I don't want to continue or not that I am regretting my choice but I just feel intimidated by my future blockmates. They're all like the grammar and English nazi dudes and I don't really think I can keep up with them or that. I kind of stalked them, and I felt really scared. I actually thought I don't belong in that cave. But what the heck, everything has been shoved to my face why not shove it even more and think positively that I can do it.

Heck bye moonlightmishap. See you on my next blog, if I still have readers of some sort here.

Been there, done that

Sa labing apat na taon ng pamamalagi ko dito sa mundo, meron na akong mga bagay na na-experience. Mga bagay na nagdulot ng malalaking pagbabago sa akin at sa ginagalawan ko. Di ako mature. Napakaisip bata ko to the point na simpleng pagbati mo lang sa akin tuwing umaga ng Good Morning, magiging masaya na ako. Ganun ako kababaw na tao. I cannot look on the mature sides of things. Nakakainis kasi. Mas gusto ko pang maging bata kesa maging mature/matanda na marami ng pinoproblema sa buhay. Di naman ako ganun. Wala naman akong masyadong problema pero, marami akong pinoproblema. Gets niyo ba? Pati problema ng iba pinoproblema ko. Pag napapahiya sila, nanunuod lang ako pero sa loob loob ko, ako ang nahihiya para sa kanila. Been there, done that.


Naranasan ko ng mapahiya. I mean, lahat naman na tayo naranasan na yan. Aba ang swerte mo naman kung kahit isang beses sa buhay mo eh di ka pa napahiya . Ayos ka tol. Part yan ng buhay. May mga oras talaga na kelangan nating mapahiya para matuto ng lesson. Anong lesson naman ba yun? Yun ay ang mas magsikap pa para sa susunod ay di ka na mapahiya sa harap ng madlang pipol. Let's just say, napahiya ka sa recitation kasi muntanga ang sagot mo at pinagtawanan ka ng buong klase. OH EH ANO NAMAN? DI KA KASI NAG-ARAL NAG-EXPECT KA PANG DI MAPAPAHIYA LUL LANG DRE? So ano ang dapat gawin? Malamang sa malamang eh dapat kang mag--advance study para naman next time eh mapamangha mo yung mga kaklase mong tumawa sayo na akala mo eh palaging tama ang mga pinagsasagot diba? HELLO. May time ka naman siguro para pagsikapan ang mga yan. 


Minsan naman, ang nangyayari eh napapahiya ka sa sarili mo. Kasi NAG-EXPECT KA. Nag-expect ka na makakapasa ka sa exam pero BAGSAK ka pala. Di ka nag-aral tas makakapasa ka? Ano yun magic (unless may photographic memory ka duuh)? Oh ano ngayon dre? Pahiya ka sa sarili mo. Kahit yung mga matatalino, they spend most of their time studying kung may quiz o exam. Matalino sila kasi masipag sila. Wag ng mag-assume na makakapasa ka kung di ka nag-aral. ABA AYOS KA AH. HANGA NA AKO. Wag kasi masyadong mag-assume. Magkaiba ang PAG-ASA sa PAG-AASSUME. Having hope is different from being assuming. Masasaktan ka lang pag pinagana mo yang assuming nerves mo sa utak mo. Kung mag-aassume ka naman, wag naman yung sobra-sobra. Ikaw lang ang masasaktan niyan. Nag-assume ka na bibigyan ka ng bagong cellphone ng nanay mo kasi nawala mo yung phone mo pero in reality, di ka na niya bibilhan kasi ang pabaya mo. Oh diba? See? Nag-assume ka, ayun. Pahiya ka sa sarili mo! Tama na yan dude. Kahit sa sarili mo ka lang napahiya, aba! Mas nakakahiya yata yun. Napahiya ka na nga lang, sa sarili mo pa. Madala naman sa pag-aassume. Uso mag-isip ng iba.


Naranasan ko na ring mapahiya ng dahil sa magulang ko. ABA SINO BA NAMANG HINDI AH? Sila pa nga yung mas may nakakahiyang pinagsasabi tungkol sa akin eh. Shet, tuwing naaalala ko yun, natatawa nalang ako. Ang daldal kasi ng nanay ko eh. Pero kahit madaldal yun, mahal ko siya. NAKS. Ako kasi yung taong nagmamahal pero di showy sa pagmamahal na ibinibigay ko. Ayoko ng ganun. Gusto ko ma-figure out nila na mahal ko sila kahit di ko pinapakita XD


So ayun nga, napahiya ng magulang. MAS MALALA PA SA PAGKAPAHIYA SA PUBLIC (though medyo parang public narin to, let's just say, kind to ng pagkapahiya sa public XD). Kasi pag napahiya kasa maraming tao, makakalimutan nila agad yan. Isang araw lang limot na yan eh, malamang (unless pinahiya mo ang sarili mo at nagpost ka pa sa FB aba di na nahiya pucha). Kapag pinahiya ka ng mga magulang mo specially sa mga relatives eh, ANG TALAS NG MEMORY. PAKSHET. Minsan pa nga nung umuwi kami sa probinsya, may sakit kasi ako, tapos sinabi pala yun ng nanay ko sa kanila (yung sakit na dahilan ng pagka-ospital ko), eh ayoko pa namang sabihin yung tungkol doon kasi wala lang, nahihiya ako, tapos na so kelangan na dapat kalimutan diba? ANG NANGYARE, tinanong nila ako ng tinanong hanggang sa sumabog ako. De chos di ho ako sumabog taena. Pero isang buong araw nila akong tinanong tungkol doon sa sakit ko. Tangina. Ayoko pa namang pinag-uusapan yun. PAHIYANG-PAHIYA AKO sa mga kamag-anak namin (or ako lang ang napahiya or what). Shet talaga. Daldal ng nanay ko eh. Di ko naman kasi sinabi sa kanya na ayaw kong ipagsabi yun, so somehow, kasalanan ko rin. 


Ang mapahiya ONLINE. Hahaha naranasan ko narin to! Another kind ng pagkapahiya in public. Alam naman nating maraming tao online. Pero ang ayos dito, di ka nila kilala minsan. At pwede mong idelete ang pinost or whinatever mong post na dahilan ng pagkapahiya mo. Pero kahit na! Nakakahiya parin to juskobels. 


Tinatamad na akong magtype at mag-isip ng mga bagay na itatype kaya eto na muna. Pucha bat ba ang tamad-tamad ko ngayon mukha akong tanga. 

Changes. Changes Everywhere.

PAGBABAGO.

Ang tanging bagay na permanente sa mundo. Bakit nga ba maraming pagbabago sa mundo? Bakit nga ba lahat ng tao eh nagbabago? Simple, it is meant to be. Ginawa tayo ng Diyos na may utak. Ang utak natin, nagbabago ng state yan, nagkakaroon ng laman. At kapag nagkaroon yan ng laman, malamang, ayun na ang rason ng pagbabago. Dating wala o konti ang laman, nadagdagan at nadagdagan pa. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, marami tayong mga bagay na naeexperience. Marami tayong mga nararanasan. Ang mga karanasang ito, pwede ring maging dahilan ng pagbabago. Halimbawa, sa mga cliche stories and dramas. Revenge. Bakit nga ba naghihiganti ang isang tao? Ano yun, naisip nalang niya na 'Ay gusto kong maghiganti! Para cool!', ay tanga lang? Syempre lahat ng bagay may dahilan. Kahit yang mismong existence mo ay may dahilan. So bakit siya maghihiganti? Kasi may gumawa sa kanya ng masama? Winasak ang puso niya? O ano? Diba may dahilan yun?

Ang katawan natin, may naiintake yan na kung anu-ano. Alikabok, dumi at kung anu-ano pang kachorvahan. Dahil sa mga simpleng bagay na yan, nagkakaroon ng changes ang katawan natin. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda, patuloy ang pagbabago ng katawan. Bakit? Kasi patuloy sa pag-function ang organs natin. Di yan titigil hangga't sa di tayo namamatay. So anong ibig sabihin? Hangga't nabubuhay tayo sa mundong ito, patuloy ang pagbabago sa atin at sa mundong ginagalawan. Do I make sense? O baka naman nagpapaka-senseless na naman ako sa mga pinagsasabi ko. Hay, wala akong magawa eh.


SABAW AT NGANGA SA BAHAY. PUTEK WALANG PAGBABAGO -___-

Wag kang tanga.

Tanga. Magsawa ka sa salitang yan. TANGA. Lahat ng tao, may taglay na katangahan. Natural lang yan eh. Tao tayo, di tayo Diyos at di tayo perpekto. Oo meron tayong utak pero di rin ito perpekto. Di sa lahat ng oras eh tama yang iniisip mo at di sa lahat ng oras eh ayon sa plano mo ang mangyayari sa buhay mo. Kaya nga tayo may emosyon eh. Emosyon. Ano nga ba ang nagagawa ng mga emosyon sa atin? Ah oo nga. Dahil sa mga emosyon kaya tayo nakakagawa ng katangahan sa buhay. Kapag pinairal mo masyado yang mga emosyon na yan eh, tignan nalang natin kung anong mangyayari sayo.

Normal lang maging tanga. Syempre naman ano, meron kaya tayong emotions. Emotions usually strangle our ability to think of the possible outcomes that might happen. Aaminin ko, ako rin naman kasi, nagiging tanga ako eh. Di ko talaga alam kung bakit may mga pagkakataon na nagiging careless ako sa mga bagay-bagay. Ayun isa pa pala, kapag padalos-dalos ka sa isang bagay, mas nagiging tanga ka. O tignan mo nalang ah. Halimbawa, sobrang late ka na sa school kaya tumakbo ka ng mabilis. O anong katangahan dun? Nakalimutan mong mas mapapabilis ka kung sasakay ka ng jeep diba? O edi dahil diyan sa pagtakbo mo eh lalo ka pang nalate sa school. Katangahan. Dahil sa pagmamadali, di ka na nakakapag-isip ng mga gagawin mo. Nakagawa ka tuloy ng bagay na di mo ineexpect at ayaw mong gawin.

Gaya nga ng sabi ko, libre lang maging tanga. Di mo na kailangan pang mag-withdraw sa bangko. Pero sana naman, matuto kang mag-isip kahit paminsan-minsan lang. Madalas kasi ng dahil diyan sa katangahan ay makakagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo in the near future. Sabi nga nila, 'Slowly but surely'. Mas mabuti ng mabagal at paunti-unti kesa naman sa mabilis nga pero magsisi ka naman sa huli dahil diyan sa pagmamadali at katangahan diba? Paganahin naman ang coconut shell at wag lang yang mga emosyon na nararamdaman mo. Sa mundong to, di pwede yung di balanse. Yung puro emosyon lang at kalandian (lol whut) ang pinaiiral. Dapat balanced lahat. Sabi nga ng mga nutritionist at doktor, dapat tayong magkaroon ng balanced diet para maging maayos ang kalusugan natin.

Di sa lahat ng pagkakataon eh dapat tayong magpakatanga. Merong time para diyan at syempre meron ding time para sa pag-iisip. Aaminin ko most of the time, nagiging tanga ako. Alam ko yun. Pero sa mga seryosong bagay, pinipilit kong gamitin ang utak ko (kahit medyo kinakalawang na to). Kadalasan kasi nagmamadali ako sa pagdedesisyon which is FREAKISHLY WRONG. WAG NIYO KONG GAYAHIN TANGA AKO EH XD

Summer 2013 ♥

Yep I know di pa tapos ang summer to make this post titled as the above but what the heck I don't really care cause this trip really made my summer fantastic and awesome. I don't even know where to start! Di ko alam kung paano ko sisimulan tong blog post na to. Sobrang dami kong gustong i-type at sabihin pero di ko masabi ng buo. Sa totoo lang, naiiyak ako eh. Ang bilis kasing lumipas ng mga araw. Parang kahapon lang eh nakaupo pa ako sa sasakyan namin at naghihintay na dumating sa Bicol para makapagbakasyon. Tapos biglang eto na ako ngayon nagtatype ng mga bagay na naranasan ko. Shet. Tapos mamimiss ko pa yung mga pinsan ko. Next year ko na ulit sila makikita. Kung pwede lang dun na ako tumira eh. Kung pwede lang diba? Sana nga magkaroon ulit ng reunion or what tas payagan ako ni Mommy na sumama sa kanya sa Bicol eh. I'd be glad to come.

Anyway, I'll just tell the story about the things that happened during our stay there. A short and quick stay that I will never forget. Sa sandaling panahon eh nakabonding ko yung mga pinsan kong halos isang taon ko ring hindi nakita. Shet ang drama ko chos. Eh kasi naman, I'm currently listening to Synesthesia by Mayonnaise. Palagi kasi tong kinakanta ng mga pinsan ko nung nasa Bicol pa kami eh. I searched for the lyrics and poof. Nakakaiyak yung kanta. Naiiyak tuloy ako. Naging fave song ko na rin tuloy siya. If you want to listen to it, just listen to the playlist here in my blog. You can search for its lyrics online too.

Continue Reading if you want, this will be a loooong blog post. Probably the longest blog post I ever made so far  :)


Must Be... Love

Warning: This post may contain SPOILERS. So I suggest that you shouldn't read this if you haven't watched the film yet. Thanks.


This entry is a post about KathNiel's launching movie: Must be... Love.


Sa totoo lang, di ko alam ang mararamdaman ko sa film na to. I'm a HUGE KathNiel fan. Since Growing Up palang eh super fan na nila ako kaya dream come true para sa katulad kong die hard fan na magkaroon sila ng launching movie! Bakit di ko alam ang mararamdaman ko? Paiba-iba kasi yung emotions ng bawat scene! May time na naiinis ako sa character ni Angel, naaawa ako kay Patchot dahil ang tanga ng peg niya at di na yun martyr (as said by her best friend sa movie), meron namang times na ang sarap sapakin ni Ivan dahil ang manhid niya sobra at meron namang times din na naiiyak ako. Naiyak nga ako sa scene nina Patchot tyaka nung tatay niya eh. Yung confrontation scene nila.

At syempre. Di naman mawawala ang nararamdaman kong KILIG. Utang na loob lang. Bawat scene na parehong nandun ang KathNiel eh kinikilig ako kahit na di naman sila yung magkausap or whatever diba? Tsaka feel ko si Patchot. Not that I have this boy best friend too, but feel ko yung gusto niyang walang masaktan ng dahil sa feelings niya. Gusto niya na di masaktan yung pinsan niyang si Angel kaya nagparaya siya at di niya sinabi yung tunay na feelings niya para kay Ivan. It hurts. Well, I have this friend na halos kapareho ng posisyon kay Patchot. She loves her boy best friend. Pero in denial siya. That's another story to tell.

Ang tagal ko talagang hinintay tong movie na to. Sobraaaaa. From 24/7 in love palang, then sisterakas ang tagal kong hinintay. And as a fan, DI AKO NADISAPPOINT. Bawat scene, sobrang tumatak saakin kahit yung mga simpleng scene like yung nasa sasakyan sina Patch pati yung dad niya talking about mustaches. Cute right? Kitang-kita mo talaga yung samahan nilang mag-ama. They are like 'partners' as said in the movie. Ang galing nga eh. Patchot changed for her own sake. Not for the sake na mapansin siya ni Ivan. Nagbago siya para sa sarili niya, para may mapatunayan naman siya sa sarili niya at sa pamilya niya. Solve na solve ako sa kilig scenes.

Yung plot? Gusto ko. Di lang talaga siya pa-tweetums na walang ibang goal eh kundi pakiligin ang viewers. Sa movie na to, madami kang matutunan besides dun sa kilig na given na sa movie. Mapapatawa ka rin, maiiyak. May family, friends, love lessons kang maaaring matutunan. Medyo nabitin lang ako dun sa story ni Angel XD Pero uyyy, si Quen nandun. Wahaha. Bagay sila ni Liza, sana magkaroon ng sequel tapos kasali na sila sa mismong plot.

Lessons? Ang dami, I couldn't mention them all. Pero pinakatumatak sa akin yung lesson ng family. Na kahit maging sino ka man, sila at sila parin ang tatayong foundation mo. Sila parin yung handang sumuporta at umintindi sa yo. Maging iba ka man sa paningin nila, patuloy ka parin naman nilang mamahalin.

Gusto ko din yung sinabi ni Tita Baby kay Ivan nung tinanong niya kung paano mo malalaman na mahal mo na ang isang tao. Di raw siya naniniwala sa slow mo. Mas naniniwala siya sa Fast Forward. Yung tipong kapag tinignan mo ang isang tao, makikita mo yung future na kasama siya. Yung future na pareho kayong nandun at masaya kayo. Yun nga yung nakita ni Ivan kay Patchot eh. Yung time na magbabasketball dapat sila tas parang bigla nalang nakita ni Ivan na nagpapakasal sila ni Patchot. True Love.

Yung sinabi rin ni Patchot kay Ivan yung nararamdaman niya. RAMDAM ko dre. Matagal na niyang mahal pero dun lang sa spot na yun niya nasabi. Tangina dude. Ang sakit pa nung sinabi ni Ivan na "Siguro, Baka, Pwede" bat ganun T_T

All in all, great movie. GREAT EVERYTHING. Lahat na!! Bukod sa KathNiel, ang galing ng casts. Yung plot. Di lang basta kilig ang ganda.

Rating: 4.5/5 (Nakulangan ako sa ending T_T) Pero ang ganda pa rin omg.

KathNiel <3