Being a Junior sucks sometimes. But mostly, it is fun. I get to experience things that I haven't even experienced before.
At alam kong simula palang to. Sabi nga nila, ang third year daw ay ang climax ng high school life. Sa third year, marami ka daw mararanasan na 'firsts' na di mo akalaing magagawa mo pala. Madaming problema, at kung anu-ano pang ka ekekan sa buhay ang mararanasan habang nasa punto ako ng pagiging Junior.
Iba't ibang feelings ang mararamdaman mo, iba't ibang klaseng pagbabago ang mawiwitness ko. And actually, I've witnessed some already. Nawi-wirduhan na nga rin ako sa sarili ko eh. Di naman ako ganito noong freshman at sophomore palang ako. Di ako ganito kaingay, kabaliw, kashunga. Pero ewan ko, masaya na ako sa ganitong ako. Masaya ako na kahit ang wirdo ko, may mga tao paring tumatanggap sa akin at alam kong di ako iiwan.
May misunderstandings, pero alam ko na kahit medyo may pagka-isip bata kami, ay mature kami pagdating sa ganitong mga bagay. Susubukan naming intindihin ang isa't isa bago magbigay ng side comments chuchu. Sabi nga ng mga kaklase namin, yung barkada daw namin ay isa sa mga matitino. Oh well. I'm flattered every time I hear that. Kasi makikita mo talaga sa amin na wala kaming problema at parang forever kaming masaya na walang inatupag kundi maghanap ng mga gwapo at i-rate sila from Daycare to Engineering *laughs*
---
Di ko na sila maintindihan. Di ko na rin alam kung anong gagawin ko. Ayko nung ganitong feeling. Yung feeling na nagkakainitan yung mga kaibigan mo. Di ko na kaya. Feeling ko maiiyak ako every time na nakikita ko yung mga tweets nila. Nasanay kasi ako na nag-aasaran sila eh. Pero ngayon, wala. As in wala. Zero. Parang balik sa strangers stage.
Ang saya-saya namin noon eh. Tawanan, rate ng mga gwapo. Sana bumalik na lang ulit doon sa dati. Kasi parang sasabog na yung puso ko eh. Nahahati na kami, at ayoko ng ganun. Di ko alam kung anong gagawin ko. Nahihirapan na kaya ako. Di ko alam kung paano sila magbabati. Di naman daw sila galit eh, pero ganun pa rin yun! Alam ko may kasalanan rin ako dito eh. Kaso nahihiya akong lapitan sila. Nahihiya ako kasi wala naman ako sa posisyon na makipag-usap tungkol sa kung anong nangyayari sa kanila. Isa lang akong hamak na extra.
Namimiss ko na yung palagi kaming magkakasama tuwing uwian. Puro tawa. Kain. Daldal. Pero ngayon? Parang wala na rin naman eh. Naghiwa-hiwalay. Di nag-uusap.
ANG DRAMA KO. PERO NYETA NAMAN KASI EH DI KO NA MAPIGILAN.
DI KO NA MATIIS. SASABOG NA TALAGA AKO KAHIT KELAN THIS WEEK EH. ANG HIRAP KAYA.
AYOKO NA. WEIRD FEELING IS WEIRD. KAINIS.
---
And this. Eto na naman tayo sa nyemas na feeling na to. Second year pa yata ako nung last kong maramdaman to. ORZ.
Shete. Sabi ko na eh. Kaya ayokong ma-attach masyado sa isang tao eh. Kasi alam kong hahanap-hanapin ko siya lagi. Masasanay ako na nandyan siya lagi tapos kapag nawala na, back to strangers ulit. Life cycle lang kung baga. Yun nga eh. Wala naman akong karapatan. Ano nga ba ako sa kanya?
No comments:
Post a Comment